DB Multiverse

Mga Balita Basahin ang DBM Minicomic Mga fan art Ang mga may-akda FAQ RSS Feed Bonus Mga Pangyayari Mga Promo Mga katambal na site Tournament Help Universes Help
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                               

Mga may-akda ng DBM

Ang Dragon Ball Multiverse ("DBM"),ang karugtong ng manga, ay isang doujinshi (manga na ginawa ng mga di-propesyonal, na gumagamit ng uniberso at tauhan na hindi nila pag-aari), na ginawa nila Salagir at Gogeta Jr, mula sa Pransiya.

Meron ka bang tanong? Maari mong ipadala sa address na ito.
Ang team ay kayang sumagot sa wikang Pranses, Ingles, o Espanyol.
Ang ibang wika ay hindi papansinin.
Mail

Salagir

Ang may-akda na ito ay guamwagaw ng maraming site at umaasikaso sa ilang proyekto ng comics.

Malinaw na nahawaan ng Dragon Ball, hindi niya talaga kayang tumigil sa paggawa ng mgabagay tungkol sa kanya.

Dito, siya ang taga-isip ng scenario ng DBM at webmaster ng website.

Ang mga site niya:

Mail Makipag-ugnayan sa akin
(Mas malamang na makatanggap ka ng sagot kung mag-padala ka ng mensahe sa team (tignan sa taas))

Team ng pagsalin

Ginagawa ang mahirap na trabaho ng pagsalin ng site at mga comic para sa inyong kasiyahan!!

Italiano : LordFenerSSJ, Goku SSJ (site)

Espanyol : adrian_traductor, attila

Aleman : BK-81, nick & M3tr0iI) (site)

Intsik : Midnightkaka (中国龙珠论坛 - DragonBallCN)

Hapon : 灰 (Ash Volf) & Kei (site)

Olandes: Rage (site) & Rico

Polish : Tzigi (site)

Portuges : Guga, DNA, Daninha & killer999

Arabe : Krymzyn & ammarez

Basque : odix, ryogadalfgan

Bulgarian : fikiri

Catalan : Bardock

Croatian : SonGoku, vegitossj4, Grgo, vegitoHR

Filipino : Napoleon 林博莫 (site), LiveMynd (site), Angelus (site)

Galician : Rouga, Oxiak

Hebrew : Natty2

Hungarian : pip25, Csekmen & mikisan

Lithuanian : NewGoten90 & Karalius65

Norwegian : Fridel2

Romanian : Spark & GikTrunks

Ruso : kar264

Slovene : Blazejecar (site)

Turko : Goturks

Pagwawasto ng Pranses : Guenhwyvar

Pagwawasto ng Ingles : Julian (site), SioSnarf, Deo

Mga manunulat

Kilala pa lang sa mga Pranses, paumanhin...

Loïc Solaris : DBM Novelisation. Ang kanyang site [fr]

Syl & Salagir : Universe 16.

Foenidis : Universe 12/14, "Mirai" world.

RMR : tagagawa ng scenario at lingkod dyalogo.

Mga moderator

May ilang tao na magsisiyasat sa mga comment at magbubura ng spam.

Ang marami sa mga miyembro ng team ay moderator.

Gogeta Jr

Isang mahusay na kartunista, at ang fusion ng dalawang desendyente ng mga Saiyan, siya ang gumuguhit at minsan ay nagkukulay ng mga comic.

Kailangan niyang gumuhit ng dalawang pahina bawat linggo para ang website ay manatiling updated!

Ang kanyang ibang gawain.

Ang kanyang website

Thibarik

Tagapangasiwa ng mga pangyayari at mga bagay na pang promote, kaugnayan namin sa totoong mundo.

Sundan ang mga balita at video ng mga pista ng DBM sa [fr] :
Ang kanyang Facebook
Ang kanyang YouTube channel

Ang kanyang mail : thibarik para sa domain gmail.com

Faye

Kinulayan ni Faye ang ilan sa mga pahina at larawan sa sita na ito.

Siya rin ang naglalagay ng mga teksto sa ibang wika!

Ang kanyang ibang gawain.

Assistants

Nagtratrabaho sa loob ng mga anino, sila ang nagdadagdag ng kalidad sa lahat ng mga larawan!

stef84

Siya ang tumapos sa lahat ng magandang detalye sa mga pahina!

Ang kanyang mga larawan - Mga DBZ Doujinshi [fr]

Gokuten

Kung wala siya, hindi na matutulog si Salagir.

Ang kanyang mga larawan

Minicomic

Kotenka

Sa kanya nag-umpisa ang Minicomic!

Ang kanyang ibang gawain.

piratesourcil

Sa kanya natuloy ang Minicomic!

Comic-blog [fr]

Mga Espesyal na Kabanata

Albertocubatas

Kartunista ng espesyal na Kabanata na kay Broly!

Ang kanyang ibang gawain.

Gothax

Kartunista ng espesyal na kabanata na kay Trunks!

Ang kanyang ibang gawain.

PoF

Kartunista ng espesyal na kabanata na kay Vegetto!

Ang kanyang ibang gawain.

Chibi Dam'z

Kartunista ng espesyal na kabanata na kay Cell!

Ang kanyang ibang gawain.

Berrizo

Kartunista ng espesyal na kabanata na kay Bojack!

Ang kanyang ibang gawain. Ang kanyang comic kasama si Salagir.

stef84

Kartunista ng espesyal na kabanata na kay Baddack!

Tignan sa taas para sa iba niyang mga site.

Nihonjinsim

Kartunista ng espesyal na kabanata na kay Gast!

Ang kanyang ibang gawain.

Ang mga totoong may-akda ng Dragon Ball

Manga : Akira Toriyama

Ang Dragon Ball ay isang nalimbag na serye ng manga na iginihuit ni Akira Toriyama, mula 1984 hanggang 1994, na may 42 na tomo.

Si Akira Toriyama ay nakilala dahil sa Dr Slump at sa Dragon Ball, at ilan pang mga miniseries.

Siya rin ang gumawa ng disenyo ng mga tauhan sa ilang video game kasama ang Dragon Quest.

Anime : Toeï Animation

Ang Toeï Animation ang gumawa sa anime ng Dragon Ball, na siyang ibinase at kinopya mula sa manga. Ang studio na ito ay gumawa ng 155 na episodyo ng seryeng Dragon Ball (ang umpisa ng manga), at 291 na episodyo ng Dragon Ball Z (aka "DBZ"), ang dulo ng manga.
Sila din ang gumawa ng 64 na episodyo ng seryeng DBGT, na isang inimbentong karugtong ng DBZ, ngunit hindi natin siya pinag-uusapan dito.
At saka, ang Toeï Animation ay gumawa ng mga pelikula sa uniberso ng Dragon Ball Z, na silang nangyari sa loob ng kanilang sariling hindi kaayon na daigdig ng DBZ. Itinanghal nila ang ilan sa mga parehong bayani sa parehong background, at mga bagong tauhan (marami ay mga kalaban) na inyong nakikita din sa mga comic namin.

[tl_PI]
EnglishFrançais日本語EspañolItaliano中文DeutschPortuguêsPolskiNederlandsTurc
Português BrasileiroMagyarGalegoRomâniaРусскийNorskCatalàLietuviškaiCroatianEuskeraSuomeksi
KoreanSvenskaБългарскиGreekעִבְרִיתEspañol Latinoاللغة العربيةFilipinoLatineDansk